TUGUEGARAO CITY-Sinibak ang isang pulis matapos na mahuli na pumupusta sa isang sabungan sa Camalaniugan,Cagayan.
Sinabi ni Police Capt.Ali Bacuyag,hepe ng PNP Camalaniugan na nahuli ng mga miembro ng Counter Intelligence Task Force si Patrolman Agustin Murello sa sabungan sa Brngy.Bulala.
Ayon kay Bacuyag,agad na sinampahan ng kasong paglabag sa gun ban si Murello matapos na makuha sa kanya ang kanyang issued firearm.
Subalit pansamantalang nakalaya si Murello matapos na makapagpiyansa.
Sinabi pa ni Bacuyag na nasa Police Regional Office 2 ngayon si Murello para naman sa pagsasampa sa kanya ng kasong administratibo dahil sa paglabag sa kautusan na pagbabawal sa mga pulis na pumunta sa mga sabungan at mga katulad na mga establishimento.
Sinabi ni Bacuyag na si Murello ay nakatalaga sa 203rd Manuever Company sa Lallo.
Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na ang pinakamabigat na parusa sa mga pulis na mahuhuli sa mga sabungan o iba pang pasugalan ay dismissal.