TUGUEGARAO CITY-Nagpapatuloy ang clearing operation ng mga otoridad sa Bauko,Mt.Province kasunod nang engkwentro sa pagitan ng PNP at New People’s Army kaninang umaga na ikinasawi ng isang pulis at isa pa ang nasugatan

Sinabi Police Major Bernard Wong ng PNP Mt.Province na binawian ng buhay si Patrolman Wilfredo Padawil ng Sagada habang ginagamot sa ospital

Ayon sa kanya,nagpapagaling naman si Police Corporal Irpeel Lapniten ng Buguias,Benguet

Ang nasabing labanan ay kasunod ng pagbisita ni PNP Chief Police General Oscar Albalyalde sa PNP Cordillera kaninang umaga