Aabot sa P65,000 ang halaga ng mga iba’t ibat cellphone units at accesories ang ninakaw sa pamilihang bayan ng Allacapan.

Kinilala ni PLT Randolf Zipagan, deputy chief of police ng PNP Allacapan ang biktima na si Norjana Adhikasan, negosyante at residente ng nasabing bayan.

Una rito ay pasado alas dyes ng umaga nang magtungo ang biktima sa himpilan ng pulisya upang ireport ang nangyaring pangloloob sa kanyang tindahan sa public market.

Lumalabas sa imbestigasyon na posibelng nilagari ang mga padlock ng tindahan dahil sa nakitang mga residue nito.

Mayroon din aniyang nakainstall na mga cctv sa nasabing tindahan ngunit hindi gumagana ganundin sa labas at loob ng nasabing public market.

-- ADVERTISEMENT --

Maliban na lamang aniya sa katabing store na pagmamay ari ng kanyang tiyuhin na mayroon gumaganang cctv ngunit nang ireview ito ay mga karakas lamang ang narecord kung kayat hindi ito klaro at hindi nakikita ang mga salarin.

Base naman sa ni-review na mga installed cameras sa mga neighboring barangay ay bandang 1:30 am nang may dalawang kulong kulong na pumasok sa publc market at sa ngayon ay kasalukuyan itong iniimbestigahan.

Napag alaman na mayroong apat na security guard na nagbabantay sa public market ng 6pm-8a ngunit hindi narinig ang paglalagari ng mga suspek dahil na rin sa itinaon sa malakas na ulan ng madaling araw ang paglalagari.

Sa ngayon ay identified na kung sino ang nakasakay sa kulong kulong ngunit sinusuri pang mabuti ng prosecutors office ang mga dokumento na i-fafile sa kanila.