
Muling naglunsad ng panibagong air strikes ang Israel sa Tehran at pinalawak ang military campaign nito kabilang ang pag-atake sa Hezbollah militants sa Lebanon na suportado ng Iran.
Ayon sa Israel, ang kanilang inaatake ay mga lugar na konektado sa Shi’ite Muslim armed group ng Lebanon, isa sa pangunahing kaalyado ng Iran sa Middle East, matapos na aminin ng Hezbollah ang paglulunsad nila ng missiles at drones sa Israel bilang ganti sa pagkamatay ni Supreme Leader Ali Khamenei ng Iran.
Sinabi ng Israeli military na na-intercept nila ang inilunsad na projectile mula sa Lebanon, habang ang iba ay tumama sa open areas sa nasabing bansa.
Naglunsad ang Israel ng air strikes sa kontroladong lugar ng Hezbollah sa Beirut ngayong araw na ito.
Dahil dito, maraming mamamayan ang nagsilikas na nagdulot ng masikip na daloy trapiko, matapos ang serye ng pag-atake kaninang madaling araw.










