Tahasan nang tinanggihan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang 15-point roadmap ni US President Donald Trump para sa pagpapatupad ng kasunduan sa tigil-putukan sa Gaza.

Iginiit ni Netanyahu na hindi magsasagawa ng withdrawal ang Israel Defense Forces o IDF sa Gaza hangga’t hindi ganap na nadidisarmahan ang Hamas, kabilang ang lahat ng mabibigat at magaang armas ng grupo.

Samantala, sinabi ni US envoy Nickolay Mladenov na posibleng ipatupad ang phased withdrawal ng mga sundalong Israeli kasabay ng beripikadong pag-aalis at pagsira sa mga armas ng Hamas.

Ayon sa ulat, maaaring may kaugnayan sa nalalapit na halalan sa Israel ang matigas na posisyon ni Netanyahu, na nangangailangan ng suporta ng mga right-wing allies upang manatili sa kapangyarihan.

Nanindigan naman ang Hamas na nananatili itong nakatuon sa roadmap at hinikayat ang Board of Peace na igiit kay Netanyahu ang pagpapatupad nito.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, patuloy na nangangamba ang mga residente ng Gaza na maantala ang anumang pangmatagalang tigil-putukan habang hindi pa nagkakasundo ang mga pangunahing panig sa kondisyon ng withdrawal at disarmament.