Plano ng House Quad Committee na magpatuloy ngayong 20th Congress.

Ayon kay Manila 6th district Rep. Benny Abante, isa sa posible nilang dinggin ay ang isyu ng mga nawawalang sabungero na umano’y itinapon ang mga labi sa Taal Lake.

Paliwanag ni abante, masasakop kasi ito ng extrajudicial killings o EJK na sinimulang imbestigahan ng Quad Comm sa nagdaang 19th Congress.

Binanggit ni Abante na posibleng imbitahan nila bilang resource person ang whistleblower sa kaso na si Julie Patidongan alyas “Totoy” gayundin ang negosyanteng si Atong Ang.

Si Ang ay itinurong mastermind sa kaso na kanya namang mariing pinabulaanan.

-- ADVERTISEMENT --