Muling nakakaapekto sa katimugang bahagi ng bansa ang 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗥𝗢𝗣𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗡𝗩𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗭𝗢𝗡𝗘 (𝗜𝗧𝗖𝗭) o ang salubungan ng hangin mula sa northern at southern hemisphere.

Makulimlim at may mahina hanggang sa minsang malalakas na pag-ulan at thunderstorm sa Mindanao, EasternVisayas, at Palawan May katamtamang tiyansa ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Ang 𝗘𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥𝗟𝗜𝗘𝗦 naman ang patuloy ang nakakaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa.

Pangkalahatang maayos at mainit ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. May tiyansa pa rin na magkaroon ng mga thunderstorm, lalo na sa hapon at gabi.

Dahil sa posibleng pamumuo ng isang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Mindanao, nasa 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗠𝗧𝗔𝗠𝗔𝗡 (𝗠𝗢𝗗𝗘𝗥𝗔𝗧𝗘) ang tiyansa na magkaroon ng bagyo na direktang makaapekto sa bansa sa susunod na limang araw.

-- ADVERTISEMENT --