Ikinagalit ng bansang Japan ang paglipad ng isang Chinese spy plane sa airpace nito.
Batay sa impormasyong inilabas ng bansang Japan, isang Y-9 surveillance plane ang lumipad sa kalangitang sakop ng Danjo Islands sa loob ng dalawang minuto.
Agad namang naglabas ng warning ang mga Japanese authorities matapos mamataan ang spy plane at inalerto ang mga fighter jets para bantayan ang airspace nito.
Sinabi ni Japan Chief Cabinet Secretary Yoshimasa Hayashi na hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng China, at tiniyak na maghahain ang Japanese government ng protesta.
Sa kasalukuyan ay walang nakatira sa isla kung saan lumipad ang spy plane ngunit batay sa pag-aaral, mataas ang oil at gas reserve nito.
Ito ang unang insidente na nakapagtala ang Japan ng isang spy plane na pumasok sa airspace nito.
Ilang linggo bago nito ay unang namataan ng Japanese authorities ang presensya ng mga Chinese ships sa katubigang sakop ng Senkaku Islands, mga islang nasa ilalim din ng soberanya ng Japan.