Tumangging pumasok sa plea si Senator Jinggoy Estrada sa P573 milyong kasong plunder at graft na isinampa laban sa kanya kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project.

Dahil dito, awtomatikong not guilty ang ipinasok ng Sandiganbayan Fifth Division para kay Estrada, na dumalo sa arraignment gamit ang saklay dahil sa injury sa kaliwang tuhod.

Samantala, ibinasura ng Sandiganbayan ang kaso laban kay dating Public Works Secretary Manuel Bonoan matapos itong maging government witness. Dahil dito, si Estrada na lamang ang akusado sa graft case na nakabinbin sa Fifth Division.