Binigyan ng 72 oras para magpaliwanag ang isang job order employee ng pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao kaugnay sa kanyang video na inilabas sa Facebook, kung saan makikita siyang naglalaro ng video game sa oras ng trabaho.

Sinabi ni Mayor Maila Ting Que na ang human resource at legal department ang nagbigay ng show cause order laban sa nasabing empleyado, bilang bahagi ng due process.

Ayon kay Que, kung mapapatunayan na totoo ang nasabing video, maaaring suspendihin o tanggalin sa kanyang trabaho ang nasabing empleyado.

Gayunpaman, sinabi ni Que na sa kanyang kinausap na unit head, sinabi niya na iba ang set-up ng opisina na nasa video sa ayos ngayon ng nasabing tanggapan.

Dahil dito, sinabi ni Que na posibleng luma na ang nasabing video, o inedit.

-- ADVERTISEMENT --

hinamon niya ang naglabas ng video na lumantad at maghain ng pormal na reklamo.

Kaugnay nito, sinabi ni Que na umikot na rin ang HR at legal department para inspeksyonin ang lahat ng computers na ginagamit sa city hall upang matiyak na walang naka-install na gaming app at iba PA NA ipinagbabawal.