Bumaba sa 1.63 million ang mga walang trabaho sa bansa nitong buwan ng Disyembre mula sa 1.66 million noong buwan ng Nobyembre ng 2024 bunsod ng pagtaas ng seasonal na employment noong holiday season.
Ito ay katumbas ng jobless rate na 3.1 percent mula sa 3.2 percent, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA)
Subalit ang kalidad ng nalikha na mga trabaho noong holiday season ay mababa o maliit lamang ang sahod.
Ang bilang naman ng underemployed o ang mga naghahanap ng dagdag na trabaho o oras upang madagdagan ang kanilang kita ay tumaas sa 5.48 million noong Disyembre mula sa 3.5 million sa naunang mga buwan.
Ito at katumbas sa underemployment rate na 10.9% mula 10.8%.
-- ADVERTISEMENT --