Tumaas ang bilang ng walang trabaho sa bansa noong January 2025, kung saan nabuksan ang taon sa mas mataas na unemployment.

Ayon sa Philippine Statistics Authority’s (PSA) Labor Force Survey, ang pagtaas ng bilang ng walang trabaho noong Enero ay bunsod ng paghina ng mga trabaho sa nakalipas na holiday season nitong 2024.

Iniulat ni Deputy National Statistician at PSA Assistant Secretary Divina Gracia del Prado, tumaas ang bilang ng walang trabaho na edad 15 pataas sa 2.16 million sa unang buwan ng 2025.

Sa percentage na 50.65 million Filipinos sa labor force, na aktibong naghahanap ng trabaho at livelihoods sa nasabing panahon, ang unemployment rate ay 4.3 percent, mas mataas sa 3.1 percent noong buwan ng Disyembre ng 2024.