TUGUEGARAO CITY-Nakapagbenta na ang Department of Agriculture (DA)Region 02 ng P9M mula sa iba’t-ibang KaDIWA ni Ani at Kita Express mula ng ilunsad ito kasabay ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) laban sa Covid-19.

Ayon kay Bernard Malazzab, kadiwa project focal person ng DA r02, malaking tulong ang naturang proyekto lalo na sa mga farmer producer dahil nadagdagan ang kanilang kita.

Bukod dito, nakakatulong din ang KaDIWA ni Ani at Kita sa mga mamimili dahil inilapit ng ahensiya ang mga produkto na mura at bagong pitas na gulay at prutas maging ang mga karne at iba pa.

Bukas ang KaDIWA ni Ani at Kita mula Lunes hanggang Sabado sa oras na alas sais ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Sinabi ni Malazzab na dahil sa paglago ng kita at para matulungan ang publiko na bumili ng produktong pang-agrikultura na hindi na kailangang lumabas ay inilunsad ng ahensiya ang online kadiwa kung saan maaring mag-chat sa kanilang facebook page na DA RO2 Multi-Purpose Cooperative o magtext o tumawag 09178771972.

-- ADVERTISEMENT --

Ngunit, dahil limitado lamang ang kanilang mga sasakyan sa pagdeliver, tanging ang mga orders lamang na mula dito sa lungsod ang kanilang maaring i-accomodate.

Tinig ni Bernard Malazzab