TUGUEGARAO CITY-Nagbalik-tanaw si Niño Kevin Baclig, museum curator ng Cagayan sa pakinabang ng Cagayan river sa kasaysayan ng mga Cagayano.

Ito ay kasunod ng gagawing Cagayan river restoration ngayon taon na sisimulan sa bukana ng ilog sa bayan ng Aparri.

Ayon kay Baclig, malaki ang naitulong ng ilog cagayan sa ekonomiya, pulitikal, military at cultural life ng mga taga-Cagayan.

Aniya, nagsilbing itong super highway ng mga cagayano dahil sa kawalan ng maayos na daan papasok at papalabas sa probinsya noon.

Ang ilog din umano ang nagsilbing daan para sa trading o kalakaran ng mga produkto ng mga Cagayano mula Nueva Vizcaya hanggang Aparri para sa mga Tsino at mga hapones.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Baclig na posibleng mangyari muli ang lahat ng ito sa pamamagitan ng restoration kung saan huhukayin ang ilog para muling mapalalim.