Tuguegarao City- Tiniyak ni PCOL Ariel Quilang, Provincial Director Cagayan PNP, ang kahandaan ng kanilang hanay na pangasiwaan ang kapayapaan sa Cagayan sa gitna ng banta ng COVID-19.

Ito ay matapos magpositibo sa virus ang mga miyembro ng pulisya na nakabatay sa PNP Tuguegarao bunsod ng local transmission.

Sinabi ni Quilang na nasa maayos na kalagayan naman ngayon ang mga pulis at mga detainee na tinamaan ng virus.

Sa ngayon ay patuloy din aniya ang pagsasagwa ng disinfection sa tanggapan ng PNP Tuguegarao upang matanggal ang virus.

Samantala, muli itong nagbabala sa publiko na huwag makipag-ugnayan sa mga nagpapanggap na miyembro ng communist terrorists group upang manakot at makapangikil.

-- ADVERTISEMENT --

Ito ay bunsod na rin ng ilang mga report sa kanilang tanggapan hinggil sa nasabing usapin.

Tiniyak ni Quilang na ginagawan na nila ng hakbang ang ginagawang modus ng mga suspek upang mapanagot sa batas.

Umapela ito ng kooperasyon sa publiko na ireport ang mga napapansing kahinahinalang pagkilos upang agad na matugunan ng mga otoridad.