Tuguegarao City- Tiniyak ng PNP Cagayan ang kahandaan ng kanilang tanggapan sa pagpapatupad ng mga alituntunin ngayong extended pa rin ang General Community Quarantine sa lalawigan.
Sa panayam kay PLT Marjelli Gallardo, tagapagsalita ng nasabing tanggapan, kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat upang matiyak ang seguridad ng publiko.
Bahagi aniya nito ay nasa kanilang deployment areas pa rin ang mga pulis upang ipatupad ang mga panuntunang dapat sundin upang labanan ang COVID-19.
Sa datos ng pulisya ay nakapagtala aniya sila ng nasa 1,096, na naaresto mula sa iba’t-ibang paglabag sa ilalim ng implimentasyon ng GCQ.
Kasama sa top 3 municipalities na may mataas na bilang na nahuling violators ay ang PeƱablanca na may 210, Sta. Ana na may 132 at Tuao na may nahuli namang 132.
Muli ay nanawagan si Gallardo sa publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na alituntunin upang mapanatili ang kaligtasan laban sa banta ng nakakahawang sakit.