TUGUEGARAO CITY- Nahukay ng mga otoridad ang kalansay ng dalawang miembro umano ng New People’s Army kaninang umaga sa Brgy. Santa Margarita sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Sinabi ni Lt. Lloyd Orbeta, tagapagsalita ng 17th Infantry Battalion, Philippine Army , itinuro ng sibilyan ang kinaroroonan ng pinaglibingan sa dalawa.

Ayon kay Orbeta posibleng ang dalawa ay kasama ng mga NPA na tumambang sa mga pulis sa Baggao noong 2016 kung saan anim na pulis ang namatay.

Sinabi ni Orbeta na isinako at dinaganan ng malalaking bato ang dalawang bangkay.

Idinagdag pa ni Orbeta na isa sa dalawa ay agta.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Orbeta na ngayon lamang naglakas loob ang sibilyan na ituro ang libingan dahil sa takot sa mga NPA.

Idinagdag pa ni Orbeta na bagamat hindi nila alam ang tunay na pangalan ng dalawa ay alam ng mga ito ang kanilang ginagamit na mga alyas at ang kanilang barangay.

Ayon sa kanya, ang isa ay sa mula sa Brgy. Asinga-via sa baggao habang ang katutubo ay mula sa zinundungan Valley sa bayan ng Rizal.

Ayon naman sa PNP Baggao, na dadalhin sa crime laboratory ng PNP Region 2 ang mga kalansay para isailalim sa DNA test para mai- match sa mga sinasabi nilang kamag anak.

Samantala, sinabi ni Orbeta na patuloy na nababawasan na ang bilang ng mga NPA sa Eastern part ng lalawigan.

Bukod dito, sinabi niya na nabibilang na rin ang mga mamamayan na sumusuporta sa rebeldeng grupo.