
Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga ang “codified Kalinga Pagta,” ang nakasulat na bersyon ng kanilang tradisyunal na Bodong o peace pact.
Layunin nito na mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga tribo.
Ang 137-pahinang dokumento ay resulta ng konsultasyon at pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor.
Ayon kay Governor James Edduba, nagsisilbi itong tulay sa pagitan ng indigenous justice at pormal na batas.
Kinikilala ito bilang pangmatagalang sanggunian para sa pagkakaisa at pagpapanatili ng kultura ng Kalinga.
-- ADVERTISEMENT --










