Gumagawa na ng paraan ang mga kinauukulan sa Tinglayan, Kalinga upang mabilis na matanggal ang guho ng lupa sa bahagi ng kalsada na papunta sa Brgy. Buscalan.

Sinabi ni Mayor Sacrament Gumilab, na ang bahagi ng kalsada na nagkaroon ng landslide ay ang daan papasok sa kinaroroonan ni National Tattoo Artist Apo Wang-od.

Gayonman, sinabi ni Gumilab na dulo na ng kalsada ang may pagguho at maaaring maglakad na lamang ng ilang metro ang mga nagnanais na pumunta kay Wang-od.

Subalit, sa mga may sasakyan ay kinailangan na iwan ang kanilang mga sasakyan.

Dahil dito, sinabi niya na hindi naman gaanong perwisyo sa mga turista o mga bisita ang nasabing landslide dahil maaari pang makarating sa kinaroroonan ni Wang-od.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa niya na nakaantabay naman ang ilang kawani ng lokal na pamahalaan na nakatalaga sa tourism information center na umaalalay sa mga turista.