May dalawang mahalagang kondisyon umano na dapat matugunan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong para maimbitahan sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa isyu ng mga flood control project.

Sinabi ni Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon na hindi pa imbitado si Magalong sa initial hearing ng House Tri-Committee na sisimulan sa Setyembre 2.

Uunahin kasi nila ang maanomalyang flood control projects sa Bulacan at wala naman aniyang personal knowledge si Magalong sa nangyari sa Bulacan pero sa mga future probe ay maaari raw itong maimbitahan.

Pero may dalawa aniyang importanteng kondisyon na dapat matugunan ang alkalde.

Una, dapat i-disclose ni Magalong ang 67 lawmakers na sinasabi niyang contractors at pangalawa, ay ang mga kongresista na kumukuha ng 30 to 40 percent kickback mula sa mga proyekto ng gobyerno.

-- ADVERTISEMENT --

Naniniwala si Ridon na makakatulong sa imbestigasyon ang mga pahayag ni Magalong kung kumpleto ang mga documentation nito partikular na sa mga sinasabi umano nitong mambabatas na kumukubra ng kickback.