
Sobrang kakaiba ang isang kaso na hinawakan ng mga doktor sa ospital sa Jilin, China – ang babae na na-stuck o naipit ang kanyang kamay sa bunganga ng kanyang boyfriend habang nagsasagawa ng nakakatawang video na kanilang ibabahagi sana online.
Sinubukan nila kung gaanong kaliit ang kamay ng babae sa pamamagitan ng pagpasok nito sa bunganga ng lalaki.
Maayos naman na naipasok ng babae ang kanyang kamay subalit nang hilain na niya ito palabas, nanigas ang muscle ng bunganga ng lalaki at naipit ang kamay ng babae.
Dahil sa hindi matanggal ang kamay ng babae, nagpasiya sila na pumunta na sa ospital.
Sinabi ng doktor na umasikaso sa dalawa, naipit ang kamay ng babae sa bunganga ng lalaki dahil sa nanigas ang muscle sa panga ng lalaki, kaya hindi niya nagawang buksan ang kanyang bunganga.
Gumamit ang mga staff ng ospital ng isang special mouth opener para mabuksan ang kanyang panga at nagturok ng muscle relaxant sa isang bahagi ng kanyang bunganga.
Matapos ang 20 minuto, sinubukan ng doktor na ikutin ang kamay ng babae, at matagumpay na natanggal ang kamay ng babae sa bunganga ng kanyang boyfriend.