Iginiit ng kampo ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na hindi siya isang “fugitive from justice” o nagtatagong pugante, taliwas sa pahayag ng Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC).

Sa isinumiteng 117-pahinang tugon sa Korte Suprema, sinabi ng mga abogado ni Dela Rosa na nananatili siya sa loob ng bansa, hayagang kumikilala sa hurisdiksyon ng Supreme Court, at hindi umano nagtatago sa mga awtoridad ng Pilipinas.

Ayon sa kampo ng senador, kinukuwestiyon nila ang hurisdiksyon ng ICC at ang legalidad ng pagpapatupad nito sa Pilipinas, kabilang ang arrest warrant laban kay Dela Rosa. Dahil dito, sinabi nilang hindi maaaring ituring na pugante ang senador habang hindi pa nalulutas ang usapin tungkol sa bisa ng naturang warrant.

Iginiit din ng legal team ni Dela Rosa na walang umiiral na lokal o Philippine court-issued warrant laban sa senador kaya wala umano siyang legal obligation para sumuko.Balitang Pilipinas