Kinuwestiyon ng kampo ni Sen. Ronald Bato dela Rosa ang hurisdiksyon ng International Criminal Court o ICC matapos ibasura ng Supreme Court of the Philippines ang hiling na temporary restraining order o TRO laban sa arrest warrant na inilabas ng international court.

Sa pahayag ng law firm na kumakatawan kay dela Rosa, sinabi nitong iginagalang nila ang naging aksyon ng Korte Suprema ngunit nananatiling bukas ang pangunahing usaping legal kaugnay ng kaso.

Iginiit ng kampo ng senador na dapat manaig ang Konstitusyon ng Pilipinas sa usapin ng pagpapatupad ng international criminal processes sa bansa.

Kabilang sa mga kinukuwestiyon ng depensa ang umano’y pagpapatupad ng ICC processes matapos kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute at kung maaari bang ipatupad ito nang walang interbensyon ng lokal na korte.

Nilinaw naman ng Korte Suprema na ang naging desisyon nito ay nakatuon lamang sa hiling na interim relief at hindi pa sa kabuuang merito ng kaso.

-- ADVERTISEMENT --