
May naobserbahan na superheated gas emissions sa crater ng Kanlaon Volcano, na indikasyon ng posibleng explosive eruption, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) resident volcanologist.
Sinabi ni Mari Andylene Quintia, resident volcanologist sa Kanlaon Observatory sa La Carlota City, may nai-record ang kanilang cameras na pinakahuling emission sa pagitan ng 6:41 p.m. at 7:13 p.m. noong Miyerkoles.
Ayon sa kanya ang emissions sa gabi ng superheated gas mula sa Kanlaon ay madalas na nakukuha ng thermal cameras, dahil ito makikita ng mga mata lamang.
Sinabi ni Quintia na maaaring may lumalabas din na superheated gas sa araw, subalit hindi ito nakikita.
Ayon sa kanya ang mga nasabing emissions ay indikasyon ng posibleng pagsabog ng bulkan.
Ipinunto niya na bago ang pagsabog ng bulkan noong December 2024 at noong May at October 2025, may nakita rin na paglabas ng superheated gas.
Ipinaliwanag niya na ang presensiya ng superheated gas ay indikasyon na ang magma sa loob ng bulkan ay tumataas at lumalapit sa crater.
Idinagdag pa niya na may naitala ding mga pagyanig sa bulkan.
Dahil dito, sinabi niya na kailangan na mahigpit na ipatupad ang fou-kilometer danger zone para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa lugar.









