Mayroon na umanong tatlong persons of interest ang mga awtoridad sa lalawigan ng Abra sa nangyaring pananambang sa convoy ni dating Langiden Mayor Artemio Billy Donato noong hapin ng Pebrero 28.

Dalawa ang nasawi sa nasabing pamamaril sa Sitio Palicad, Poblacion Pilar na sina Froilan Bueno, punong barangay ng Quillat, Langiden at Kevin Bueno.

Sugatan din sa insidente si Sonny Visarez.

Sinabi ni PLTCOL Daniel Pel-ey, information officer ng Abra Police Provincial Office, galing ang nasa 11 na sasakyan ni Donato na kandidato sa pagka-alkalde sa Poblacion Pilar at papunta sana sila sa Villaviciosa nang mangyari ang pananambang.

Idinagdag pa ni Pel-ey na iniimbestigahan na rin ang motibo sa nasabing pananambang, bagamat hindi nila inaalis na ito ay may kaugnayan sa pulitika.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na umaabot sa 17 na basyo ng m-14 ang nakuha sa pinangyarihan ng pananambang.