Nahaharap sa deportation ang karagdagang 80 Filipinos kasabay ng pagpapaigting ng Trump administration ang pag-aresto sa mga immigrants na iligal na nananatili sa US.
Sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na 80 na Filipinos ang naproseso na ang kanilang mga dokumento para sa deportation.
Ayon sa kanya, asahan na tataas pa ang nasabing bilang sa gitna ng patuloy na immigration crackdown.
Kaugnay nito, sinabi ni Attorney Ardeno Valera, executive director of the Washington DC-based Global Migrant Heritage Foundation, nag-aalok sila ng pro bono legal services sa tatlong Filipino na nasa ilalim ng deportation proceedings.
Ayon sa kanya, humiling na rin ang kanyang mga kliyente ng tulong mula sa Philippine Embassy.
Sinabi niya na humihingi sila ng transporation expenses para sa kanilang pagbabalik sa bansa sa halip na hintayin na US federal funds.
Samantala, nilinaw ni Romualdez na ang 24 na Filipinos na una nang naipa-deport ay inaresto at prinoseso ang kanilang deportation sa ilalim ng Biden administration.