Matapos ikinagulat ng mga supporter ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na “for sale” o ibebenta ang kanyang bahay sa Dona Luisa subdivision, Matina, Davao City noong araw ng Sabado.

Tinanggal na ang nasabing karatula na “House and lot for sale”sa bahay ng dating Pangulo.

Sa post ng mga netizen sa social media ay makikitang wala nang nakapaskil na “House and lot for sale” kung saan, ang standee na lamang ni FPRRD ang makikita sa labas.

Matatandaan naging sikat ang bahay ng dating pangulo dahil sa ‘kasimplehan’ nito at ilan sa mga sikat na mga personalidad na bumisita dito ang ang namayapang Japan Prime Minister Shinzo Abe.