
Ipinasara ang isang kainan sa Catarman, Northern Samar matapos mag-viral sa social media ang post ng isang customer na may uod ang nabili niyang fried chicken.
Nang inspeksyunin ng mga awtoridad, marumi ang paligid ng nasabing kainan.
Nagkalat din ang mga basura at hindi na maayos ang mga freezer.
Batay sa assessment ng meat control officer, may paglabag sa sanitary at meat handling guidlines ang nasabing kainan kaya ito ipinasara.
Sinabi ng meat control officer na nagkaroon ang tindahan ng paglabag sa sanitary and meat handling guidelines kaya ito agad ipinasara.
Magsasagawa muli ng inspeksiyon ang mga awtoridad kung maaksyunan ang mga nasabing paglabag at tutukuyin kung maari pa silang magbukas muli.
Kaugnay nito, tiniyak ng mga awtoridad na ang iba pang tindahan at kainan sa lugar ay sumusunod sa mga itinakdang pamantayan.










