Sa kabila ng pagbaha sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan, itinuloy pa rin nina Jamaica at Jao Aguilar ang kanilang kasal noong Hulyo 22, 2025.

Batay sa ulat, nagsimulang tumaas ang tubig noong gabi bago ang kasal at kahit bumaba na ito kinabukasan, lubog pa rin sa baha ang paligid ng simbahan.

Ayon sa mag-asawa, mas mahirap daw ang muling pagpaplano ng kasal kaya’t minabuti nilang ituloy na ito, anuman ang kondisyon ng panahon.

Sinabi nila na blessing ni Lord ang ulan, at matagal na inantay ng lahat ang kasal.

Hindi rin naging balakid sa mga bisita ang baha, lalo na’t sanay na umano sa ganitong sitwasyon ang bagong kasal na mula sa Navotas.

-- ADVERTISEMENT --

Ikinatuwa rin nila na naging mas “unique” ang kanilang kasal dahil dito.