TUGUEGARAO CITY-Hindi na dapat iniuugnay ang insidente ng “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa drug recycling sa kasalukuyang estado ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Brig. General Jose Mario Espino, dating Director ng PRO-2 ,marami na ang nabago sa mga alituntunin ng kapulisan mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte.
Marami na rin aniyang mga tiwaling pulis ang nabago at natanggal sa serbisyo kasabay ng kanilang tuloy tuloy na internal cleansing.
Aniya, napakalayo na ang disiplina ng mga kasalukuyang miembro ng PNP kung ikukumpura nitong mga nagdaang taon
Dahil dito, nanawagan si Espino na hindi na dapat i-kumpara ang mga kasalukuyang miembro ng PNP sa mga nakalipas na taon dahil malaki na ang nabago sa kanilang hanay.
Kaugnay nito, siniguro ni Espino na mas marami pa rin ang mga matitinong pulis kumpara sa mga nasasangkot sa katiwalian.