Walo ang naitalang namatay dahil sa rabbies dito sa region 2 ngayong taon.

Sinabi ni Dr. Romulo Turingan ng Department of Health Region 2 na ang nasabing bilang ay naitala mula September 1 hanggang 23.

Tatlo ang mula sa Cagayan, apat sa Isabela at isa sa Quirino.

Ayon kay Turingan, ito ay mas mababa sa naitala na kaso ng mga namatay dahil sa rabbies nitong 2022 na may 14.

Kaugnay nito, sinabi ni Turingan na ang naitalang animal bite cases mula Enero hanggang hunyo ngayong taon sa cagayan ay mahigit 9,000, mahigit 25,000 naman sa Isabela, mahigit 8,000 sa Nueva Vizcaya, mahigit 3k sa Quirino at 82 naman sa Batanes.

-- ADVERTISEMENT --

Karamihan sa mga kaso ay dahil sa kagat ng aso na nasa 70 percent habang ang iba ay dahil sa kagat ng pusa at iba pang hayop.