TUGUEGARAO CITY-Minomonitor na umano ng National Nutrition Council (NNC) regioN 2 ang bahagyang pagtaas ng kaso ng overweight at obesity sa Rehiyon.

Ayon kay Maria Lonzaga ng (NNC) Region 2 ,bagamat nasa isang porsyente lamang ang kaso at hindi pa nakakaalarma, kanila na umano nitong binabantayan para maiwasan ang pagdami pa ng bilang.

Kaugnay nito, sinabi ni Lonzaga na patuloy ang kanilang pagbibigay ng paalala sa mga paaralan maging sa mga opisina na magsagawa ng ehersisyo.

Nagbigay rin ng paalala si Lonzaga sa mga magulang na huwag hayaan ang mga anak na nakatutok lamang sa kanilang mga gadget dahil nawawala ang kanilang mga Physical activities.

Samantala,nagpasalamat si Lonzaga sa Department of Education (DEPED) sa pagpapatupad ng memorandum circular no. 13 o ang “food choices” sa lahat ng mga paaralan.

-- ADVERTISEMENT --