Hindi tulad ng ilang personalidad na sangkot sa Philippine Offshore Gaming Operator sa Porac, Pampanga na tumatakbo na ang kaso ngayon, hindi pa raw napoproseso ang kaso laban kay Atty. Harry Roque.

Pagpapaliwanag ni Sen Sherwin Gatchalian, ayon sa Department of Justice, hindi pa gumagalaw ang kaso laban kay Roque bilang wala ito sa bansa at walang hurisdiksyon ang korte kung nasaan ito ngayon.

Sinabi ng senador na plano ng DOJ na kanselahin ang passport ni Roque para maipaalam sa interpol para sa ‘red notice’ at maaresto ito.

Ayon sa senador, base sa mga detalyeng sinabi sa kanya ni Prosecutor General Anthony Fadullon malapit ng makansela ang naturang passport.

Patuloy namang umaasa si Senadora Risa Hontiveros na malaki ang maitutulong ng international communities sa paghuli kay Roque.

-- ADVERTISEMENT --