
Naniniwala ang Malacañang na hindi dapat maapektuhan ang trabaho ng Senado dahil sa pag-aresto kay Senator Jinggoy Estrada.
Ito ang naging pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro matapos batikusin ng minority ang hindi pagtuloy ng sesyon kasunod ng pag-aresto sa mambabatas.
Ayon kay Castro, bagama’t nauunawaan nyang may mga senador na nais samahan si Estrada bilang kaibigan, hindi naman anya ito dahilan upang isantabi ang kanilang mandato sa publiko.
Sinabi rin ni Castro na walang magiging problema sa panig ng Malacañang pagdating sa pagsusulong ng mga priority measures ng administrasyon dahil handa itong makipagtulungan sa sinumang lider ng Kongreso.
Giit ng Palasyo, ang mahalaga ay maipagpatuloy ng Senado ang trabaho nito para sa taumbayan.
Kahapon, hindi na naman natuloy ang session sa senado.










