
Pormal nang tinapos ng Senado ang plenary deliberations sa panukalang ₱7.2-trilyong pambansang badyet para sa 2027 matapos ang ilang araw na talakayan sa mga alokasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Ayon sa Office of Senate President Sherwin Gatchalian, natapos ang deliberasyon bandang alas-1:25 ng madaling araw nitong Sabado.
Kabilang sa mga pangunahing ahensyang natalakay ang Department of Public Works and Highways na may panukalang ₱587.9 bilyon, Department of Health na may ₱378.629 bilyon, Department of National Defense na may ₱326.9 bilyon, at Department of Agriculture na may ₱175 bilyon.
Tinalakay rin ang panukalang pondo para sa Kongreso na ₱27.89 bilyon, Hudikatura na ₱84.132 bilyon, at Commission on Higher Education na ₱38.821 bilyon.
Kasama rin sa mga deliberasyon ang mga pondo para sa peace, social at regional development offices, gayundin ang iba pang tanggapan ng ehekutibo tulad ng DICT, NICA, National Security Council at Anti-Money Laundering Council.
Matapos ang deliberasyon, susunod na proseso ang bicameral conference committee upang pag-isahin ang bersyon ng Senado at Kamara bago ratipikahan at isumite sa Pangulo ang panukalang pambansang badyet.










