Hiwalay na sina Katy Perry at Orlando Bloom.

Magkasama ang couple buhat noong 2016 matapos ang pagkikita nila sa Golden Globes afterparty.

Noong buwan ng Mayo nitong nakalipas na taon, isinapubliko nila ang kanilang relasyon matapos ang pagdalo sa Cannes Film Festival at ipinost ito sa Instagram.

Matatandaan na unang naghiwalay ang dalawa noong 2017 subalit nanatiling magkaibigan.

Nagkabalikan sila noong 2018.

-- ADVERTISEMENT --

Nag-propose si Bloom kay Perry noong Valentine’s Day noong 2019.

Nakatakda sana ang kanilang kasal sa Japan noong 2020 subalit ipinagpaliban ito dahil sa Covid-19 pandemic.

Isinalang unang anak nilang babae na si Daisy Dove noong August 2020.

Si Perry ay divorced sa kanyang dating asawa na ti comedian Russell Brand noong 2011.

Nagtagal lamang ang kasal ng dalawa ng 14 na buwan matapos ang kanilang pagkikita noong 2010 at kasunod nito ay nagpakasal sila sa India.

Naging masaklap para kay Perry ang divorce, matapos na magpadala ng brutal text message ang comedian sa New Year’s eve noong 2011.

Sinabi ni Brand sa text na maghahain siya ng divorce.