Kasalukuyan nang humahampas ang rainbands o mga kaulapan ng Bagyong Carina sa Luzon partikular na sa mga probinsya ng
Cagayan, Isabela, Aurora at buong Bicol Region.
Asahan ang maulap hanggang sa may pag uulang panahon sa mga nasabing lugar
Batay sa 5:00 a.m. weather forecast ng PAGASA ngayong Linggo, July 21, bahagyang lumakas ang bagyong Carina na huling namataan sa layong 490 km Silangan ng Casiguran, Aurora taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 75 km/h at pagbugsong nasa 90 km/h.
Posible ang patuloy nitong paglakas at maging severe tropical storm bukas at maaari ring lumakas pa ito bilang typhoon sa Martes.