Binuksan sa Philippine General Hospital (PGH) ang kauna-unahang charity Bone Marrow Transplant Unit sa bansa na magbibigay ng mas malawak na access sa libreng bone marrow transplant para sa mga batang may leukemia at iba pang malulubhang sakit sa dugo.

Itinayo ang pasilidad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng I Want To Share Foundation (IWTS) at PGH.

Dumalo sa inagurasyon si First Lady Liza Araneta-Marcos kasama ang mga opisyal ng PGH at University of the Philippines Manila, mga healthcare worker, donor partners, at mga batang pasyente at kanilang pamilya.

Matatagpuan ang bagong pasilidad sa Right Central Block ng PGH at inaasahang magbibigay ng pag-asa sa mas maraming batang Pilipino na nangangailangan ng bone marrow transplant—isang gamutang itinuturing na epektibo ngunit karaniwang napakamahal.

Ayon sa IWTS at PGH, layunin ng proyekto na mapalawak ang serbisyong medikal para sa mga batang may kanser at iba pang seryosong sakit sa dugo.

-- ADVERTISEMENT --