Mahigit 1,000 katao ang nagtipon sa sentro ng Istanbul, Türkiye upang magsagawa ng kilos-protesta laban sa Estados Unidos at Israel.

Inorganisa ng ilang religious conservative NGO ang rally bilang pagtutol sa patuloy na giyera sa Iran, Lebanon, at Palestine, pati na rin sa pagpapasara ng Al-Aqsa Mosque ng Israel.

Nanawagan ang mga nagprotesta na itigil na ang digmaan dahil lumalawak ang pinsala at naaapektuhan ang mga karatig-bansa ng Iran.

Naging mapayapa naman ang kilos-protesta at mahigpit itong binantayan ng lokal na awtoridad upang maiwasan ang anumang kaguluhan.