Inanunsyo ng Buckingham Palace na ilalabas ni King Charles III sa unang pagkakataon ang detalye ng kanyang binabayarang buwis bilang monarko bilang bahagi ng pagsisikap na maging mas bukas at may pananagutan sa publiko.

Nakasaad na isasama ang impormasyon sa taunang ulat-pinansyal ng maharlikang pamilya na nakatakdang ilabas ngayong linggo.

Bagama’t hindi inaatasan ng batas na magbayad ng income tax, capital gains tax, at inheritance tax ang hari para sa mga ari-ariang namana mula kay Queen Elizabeth II, boluntaryong nagbabayad si King Charles ng income tax at capital gains tax para sa ilang pribadong ari-arian.

Bukod sa pondong ipinagkakaloob ng pamahalaan para sa kanyang mga opisyal na tungkulin, tumatanggap din ang hari ng kita mula sa mga lupain, pribadong estate, at iba pang investments.

Ayon sa Buckingham Palace, layunin ng hakbang na palawakin ang pag-unawa ng publiko sa pananagutan at transparency ng monarkiya.

-- ADVERTISEMENT --

Nauna nang naglalabas ng impormasyon tungkol sa kanyang mga binabayarang buwis si King Charles noong siya pa ang Prince of Wales at plano niya itong ipagpatuloy bilang hari.