
Sugatan ang pitong katao matapos bumagsak ang bahagi ng kisame sa Arrival Extension Area ng NAIA Terminal 1 kahapon, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Agad na inatasan ni DOTr Secretary Banoy Lopez ang MIAA at New NAIA Infra Corp. (NNIC) na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng pasahero at mga kawani ng paliparan, at magsumite ng detalyadong ulat na nagpapaliwanag sa sanhi ng insidente.
Mahigpit ding mino-monitor ng DOTr ang sitwasyon at inaasahan ang isang masusing pagsusuri sa insidente, kabilang ang pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang upang maiwasan ang kahalintulad na pangyayari sa hinaharap.
Nanatili namang operational ang NAIA Terminal matapos ang insidente.
Ipinag-utos na ng DoTr sa Manila International Airport Authority na makipag-ugnayan sa private operator ng NAIA ang New NAIA Infra Corp para sa imbestigasyon sa insidente.
Sinabi naman New NAIA Infra Corp, nakapag-inspeksyon na ang kanilang engineering team at siniguro nitong ligtas ang lugar.
Nagsasagawa na sila ng imbestigasyon para matukoy ang sanhi ng aksidente at nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad.









