Nagpahayag ng suporta si Veronica “Kitty” Duterte sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang unang personal nitong pagharap sa International Criminal Court o ICC sa The Hague.

Sa social media post, sinabi ni Kitty na mananatili siyang proud at sumusuporta sa kanyang ama sa gitna ng kinakaharap nitong kaso.

Dumalo si Duterte sa ikatlong status conference sa kanyang crimes against humanity case, bilang bahagi ng paghahanda sa trial na nakatakdang magsimula sa Nobyembre 30.

Hindi tulad sa naunang dalawang pagdinig, hindi nag-waive ng appearance si Duterte at personal siyang dumalo sa ICC.

Samantala, magkakaiba ang naging reaksyon ng ilang senador at mga pamilya ng umano’y biktima ng drug war sa pagharap ng dating pangulo sa korte.

-- ADVERTISEMENT --