
Ganap nang isang typhoon ang Bagyong Kiyapo (international name: Noul) habang patuloy itong kumikilos palabas ng ating Philippine Area of Responsibility.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 285 kilometro west of Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna, may pagbugsong hanggang 150 kilometro kada oras, at kumikilos sa direksyong West Northwestward sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Dahil dito nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes at kanlurang bahagi ng Babuyan Islands, kabilang ang Calayan, Dalupiri, at Fuga Islands.
Habang nasa ilalim ng Signal No. 1 ang nalalabing bahagi ng Cagayan, hilagang bahagi ng Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ilocos Norte, at hilaga at gitnang bahagi ng Ilocos Sur.Mga Southeast Asian at Pacific Islander
Magdudulot rin ng matinding pag-ulan ang bagyo kung saan aabot sa 100 hanggang 200 milimeter ng ulan ang maaaring bumagsak sa Ilocos Norte at Ilocos Sur, habang 50 hanggang 100 milimeter naman ang posibleng maranasan sa Zambales, Occidental Mindoro, at Palawan bunsod ng habagat.
Bukod dito, magdadala rin ang Habagat at ang pinalawak na sirkulasyon ng bagyo ng malalakas hanggang gale-force na bugso ng hangin sa malaking bahagi ng bansa, lalo na sa mga baybayin at matataas na lugar.
Inaasahan na magpapatuloy ang paggalaw ng Kiyapo pakanluran-hilagang kanluran sa West Philippine Sea hanggang Sabado ng umaga bago ito lumiko pahilagang-kanluran at patungong timog ng mainland China.










