Suspendido ang pasok sa mga paaralan sa ilang bayan sa Cagayan ngayong araw, Biyernes, Nobyembre 21, 2025, dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan na dala ng Amihan.

Para sa kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan, walang pasok sa Tuguegarao at Enrile, gayundin sa Solana at Sto. Niño.

Samantala, suspendido rin ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa mga bayan ng Aparri, Allacapan, Amulung, Camalaniugan, Lal-lo, Santa Teresita, Peñablanca, Gonzaga, Iguig, Ballesteros, Abulug, at Santa Praxedes.