TUGUEGARAO CITY-Sinuspinde ng Local Government Unit (LGU)-Tuguegarao ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralanbilang paghahanda sa posibleng pagtama ng bagyong Ramon.

Ayon kay Edmund Pancha, tagapagsalita ng LGU-Tuguegarao, layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral dahil sa bagyo.

Aniya, ito ay para hindi na rin bibyahe ang mga estudyante dahil karamihan sa mga mag-aaral lalo na sa kolehiyo ay mula sa iba’t-ibang bayan.

Kaugnay nito, sinabi ni Pancha na nakahanda na rin ang kanilang hanay kasama ang mga otoridad sa pagsasagawa ng pre-emptive evacuation kung kinakailangan.

Samantala, sinabi ni Pancha na inatasan ng alkalde ang lahat ng mga empleyado ng pamahalaang panlungsod na kailangan tumulong sa mga evacuation center kung sakali na magkaroon ng pag-evacuate.

-- ADVERTISEMENT --