Half-day na lamang ang pasok sa pampubliko at pam-pribadong paaralan, maging sa trabaho sa gobyerno sa Tuguegarao City sa August 15.

Batay sa memorandum order No. 25 na nilagdaan ni Mayor Jefferson Soriano, sinuspindi ang klase at trabaho mula tanghali ng Huwebes para bigyan daan ang makikiisa sa taunang selebrasyon ng AFI festival ngayong taon.

Pinaka-highlight sa sampung araw na selebrasyon sa ika-295 na kapistahan ng lungsod ang “Afi festival” dance presentation na lalahukan ng nasa 4,000 mag-aaral na gaganapin sa Cagayan Sports Complex simula alas 4:00 ng hapon sa August 15.

Wala namang pasok sa August 16, Biyernes na deklaradong Special Non-Working Holiday sa lungsod.

Ang Afi Festival ngayong taon ay nagsimula nitong Agosto 8 at magtatapos sa Agosto 18.

-- ADVERTISEMENT --