Kinasuhan ng reckless imprudece resulting in damage to property ang isang lalaki matapos na mabangga ng kanyang sasakyan ang pump ng isang gasolinahan sa Barangay Alimanao, Peñablanca, Cagayan.

Una rito, nakatanggap ng tawag ang Peñablanca Police Station ng tawag mula sa concerned citizen ukol sa insidente na kinasangkutan ng isang Toyota Hi-Lux.

Agad na rumesponde ang mga pulis na nakatalaga sa Project POSTE Alimanao sa gasolina station.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na patungo ang nasabing sasakyan sa Barangay Camasi at habang tinatahak ang Maharlika highway, ay biglang bumilis ang takbo ng sasakyan at nabangga nito ang isang pump ng gasolinahan.

Inaalam pa ang halaga ng pinsala ng sasakyan at gasoline pump.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi naman nasaktan ang driver ng nasabing sasakyan.

Rumesponde din ang ilang tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagsagawa ng pag-apula para maiwasan ang anomang electrical ignition na maaaring magdulot ng sunog.

Samantala, patuloy ang paalala ng PNP Peñablanca sa mga motorista sa kahalagahan ng ligtas na pagmamaneho para makaiwas sa anomang insidente.