Lumakas pa at naging isa nang bagyo ang Severe Tropical Storm Kristine habang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyong Kristine sa layong 905 kilometro kanluran ng Bacnotan, La Union.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 150 kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong westward sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Matatandaan na nanalasa ang bagyong Kristine sa malaking bahagi ng bansa, at lumabas ng PAR nitong Biyernes.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila ng paglabas ng PAR, posibleng umikot ang bagyong Kristine sa West Philippine Sea ngayong araw, Oktubre 27.