Tinaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na magiging bagyo ang Tropical Depression Kristine bago ito mag-landfall sa Northern Luzon sa weekend.

Ayon sa Pagasa, nasa 1,050 kilometers east ng southeastern Luzon si Kristine kaninang 5:00 a.m, na may bilis ng hangin na 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 70 kph.

Tinatayang lalo pa itong lalakas at magiging tropical storm sa susunod na 12 oras, at magiging severe tropical storm catergory bukas ng hapon o gabi at typhoon category sa Huwebes ng hapon o gabi, bago ang landfall nito sa northeastern portion ng Cagayan.

Sinabi pa ng Pagasa na mag posibilidad na lalo pang lalakas si Kristine sa pagbaybay nito sa Philippine Sea.

Dahil dito, inilagay na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang Catanduanes at inaasahan ang 62 kph hanggang 88 kph na bilis ng hangin sa loob ng 24 oras dahil sa tropical depression.

-- ADVERTISEMENT --

Isinailalim naman sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang Northern at Eastern Samar.