Inalis na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang La Niña alert.
Batay sa climate monitoring and analysis ng PAGASA, wala nang presensya ng La Niña condition sa central and equatorial pacific.
Hindi na rin inaasahang magtatagal ang nararanasan minsang above normal na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon partikular sa Bicol at Eastern Visayas at North Eastern Mindanao.
Hindi rin inaasahan na magde-develop ang El Niño at La Niña hanggang sa susunod na tatlong buwan at inaasahan ang neutral condition simula Setyemmbre, Oktubre at Nobyembre.
Samantala, patuloy namang pinaaalalahanan ng PAGASA ang mga concerned agency na ipagpatuloy ang mga precautionary measure laban sa matinding init ng panahon.
-- ADVERTISEMENT --